top of page
Writer's pictureEirini Sampson

Ang fast fashion ba ay tungkol sa pagpapahayag ng sarili o konsumerismo?


Translated by: Marie Gail Bugnay



Ang pagtataboy sa mga paglabag sa karapatan ng mga tao at mga pamantayan sa kapaligiran ng industriya ng fast fashion ay madalas na mabalanse sa isa sa mga sumusunod na argumento:


  • Oo ngunit ang fast fashion ay nagpapahintulot sa lahat na ma-access ang fashion.

  • Oo ngunit ang slow/sustainable fashion ay hindi abot-kaya sa bulsa.

  • Oo ngunit ang pag-access ng fast fashion ay tungkol sa pagpapahayag ko sa aking sarili.


Ang ikalawang argumento ay madalas na sinasabi ng mga tao pagkatapos na gumastos ng 35,000 pesos sa Shein bawat buwan o sa pagbabago ng bawat panahon. Ang una at ikatlong punto ay tila konektado at may malaking kinalaman sa ating pag-unawa ng pagpapahayag ng sarili at sa mga paraan na hindi maiiwasang nakatali sa konsumerismo.


Ang industriya ng fast fashion ay kilala na gumagana nang mabilis. Sa paglikha ng mahigit sa 50 micro trends bawat taon at ang produksyon ng 100 bilyong piraso taun-taon, ang industriya ay binibigyang kahulugan sa malabong paningin na nagpapalawak ng masamang epekto ng industriya sa sikolohiya ng mamimili.


Ang industriya ng fast fashion ay umunlad sa pamamagitan ng matalinong patalastas. Ito ay makikita sa paglikha ng isang pangangailangan sa pamamagitan ng madalas na pag-target sa mga kabataang babae - lumilikha ng insekuridad at isang kamalayan ng pagkakakilanlan na mula sa kompormidad. Ang target na madla para sa fast fashion ay ang mga mamimili na nasa pagitan ng 18 at 24 ang edad, habang ang mga kababaihan at kabataang babae ay gumagamit ng fast fashion higit sa anumang iba pang demograpikong pangkat. Ang mga fast fashion brands ay hindi naglalayon na pahintulutan ang lahat na ma-access ang fashion, o gawin itong abot-kaya kumpara sa mga katapat nito. Ginagawa ng industriya ang mga presyo nito nang hindi kumakatawan sa trabahong kasangkot sa paggawa ng bilyun-bilyong damit bawat taon upang ang mga target na pangkat nito - mga kabataang babae - ay maaaring patuloy na bumili ng mas marami sa murang presyo sa pagbabago ng bawat panahon.


Hindi tayo nakikilahok sa paglikha ng ating mga damit, ni hindi rin sa pagbabayad ng tunay na halaga nito. Sa halip, ang ating kasalukuyang paraan ng pagkonsumo ay nakabatay sa hindi sustainable at artipisyal na walang katapusang produksyon ng mga uso, pananamit at samakatuwid, kita para sa malalaking korporasyon.


Ang ganitong maka-Europa na pananaw sa pagpapahayag ng sarili sa pamamagitan ng fast fashion ay walang alam sa tunay na epekto ng ating kultura ng pagtatapon - isang hindi maiiwasang resulta ng maramihang paggawa ng micro trends at mga damit na kasama nito. Kaya, hanggang saan ang iyong kamalayan sa fashion ay isang anyo ng pagpapahayag ng sarili? Saan ito humihiwalay sa mga paraan kung saan ang ating sariling pagkakakilanlan ay nakakabit sa ating paraan ng pagkonsumo? Gaano kadalas natin nakikita ang mga salita tulad ng retail therapy na ibinabato sa atin? Gaano kadalas ang mga uso, para sa mga kababaihan, tulad ng clean girl aesthetic, na noong nakaraang taon ay ang that girl at ang taon bago iyan ay iba naman ang uso, nagsusulong ng pareho at malaking paraan ng pagkonsumo? Kahit na ang isang capsule wardrobe ay pinangungunahan na ng industriya ng fast fashion.


Ang kamalayan sa pagpapahayag ng sarili mula sa paggamit ng mga murang damit ay isang panlipunang konstruksyon na itinatag sa kapitalistang halaga at maingat na pagpili ng estratehiya sa patalastas. Sa katunayan, ang ilan sa pinaka napapanatiling kasuotan ay ang mga kumakatawan sa kultura, relihiyon at kilusan, ngunit hindi ang mga ginawa upang mapaluguran ang kagustuhan sa bagong pagkakakilanlan bawat micro-season na nilikha ng industriya ng fast fashion. Sa katunayan, ang ideya ng pagpapahayag ng sarili sa pamamagitan ng pananamit ay lumago noong unang bahagi ng ika-21 siglo kasabay ng paggamit ng social media - isang outlet sa pagpapakita ng nasabing pagkakakilanlan at pananamit.


Kahit papaano ay nakumbinsi tayo na kung ano ang mayroon tayo ay hindi sapat. At huwag mo akong ibahin, hindi ako nagmamalinis, biktima rin ako nito at madalas na naghahangad ng panandaliang paraan ng balidasyon sa sarili mula sa mga uso.


“Ginawa na namin ang lahat sa mga labis na damit na wala ng mamimili para sa lahat ng ito.” pahayag ni Marc Jacobs sa isang panayam sa Vogue noong Abril, taong 2020.


Tunay nga na ang pananamit ay nagkaroon ng simbolikong papel, ito ay kadalasang isang paraan ng representasyon ng pagkakakilanlan - maging ito man ay ang ating sekswalidad, kasarian, o kahit na mga personal na interes o libangan. Gayunpaman, hindi natin dapat malito ang pananamit sa fast fashion dahil ang dalawa ay hindi maaaring ipagpalit at hindi rin magkasingkahulugan. Sa halip, ginamit ng industriya ng fast fashion ang maling pakahulugan upang maling ipahayag ang mga layunin nito sa mas malawak na industriya ng fashion - ang ipalaki ang tubo sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga tao at kapaligiran.


At tsaka, ang madalas na pinakamagandang ‘statement’ na damit na nakita ko ay mula sa mga segunda mano o vintage na tindahan sa halip na sa mga usong fast-fashion.







Tagasalin: Marie Gail Bugnay


Related Posts

See All

生态物流:供应链中的生态友好物流策略

生态物流是指在商业运营中引入一系列可持续性措施,由物流行业采取,以最大程度地减少其对地球生态的影响。绿色物流的目标在于减少物流运营的碳足迹,并且从制造商和客户两端对供应链进行负责任的使用。 是的,这不仅是公司的责任,消费者也可能对这种影响做出重大贡献。在本文中,我们将探讨当...

bottom of page